I don't treasure friends for I know they don't see or treat me as one. Maituturing ko ba silang kaibigan kung ang dahilan ng pakikipag-kaibigan nila sa'yo ay dahil may kailangan sila? At 'pag nakuha na, hangin ka na lang sa paningin nila? Maituturing ko ba silang kaibigan kung tuwing may ipapagawa lang sa isang subject saka ka lang nagiging KAIBIGAN sa paningin nila? At kapag hindi mo sila naturuan, magagalit agad sila sa'yo at sasabihing 'Ang damot mo naman!' Sa tuwing tuturuan mo naman at hindi nila naintindihan, sasabihin na lang nilang 'Pakopya na lang.' Ako naman, si bigay. Sa tingin ko kasi noon, mas mapapalapit sila sa'kin kapag ginawa ko yun, magiging kaibigan ko na sila. Pero hindi pala. Kapag nakuha na nila ang kailangan nila, wala na, IGNORED ka na. Meron din naman kakaibiganin ka muna tapos saka gagawin o hihingin yung kailangan. Papaasahin ka na kaibigan mo silang tunay. Pero hanggang pagpapa-asa lang dahil hindi naman nagaw...