Lumaktaw sa pangunahing content

I Don't Treasure Friends

I don't treasure friends for I know they don't see or treat me as one.

Maituturing ko ba silang kaibigan kung ang dahilan ng pakikipag-kaibigan nila sa'yo ay dahil may kailangan sila? At 'pag nakuha na, hangin ka na lang sa paningin nila?

Maituturing ko ba silang kaibigan kung tuwing may ipapagawa lang sa isang subject saka ka lang nagiging KAIBIGAN sa paningin nila? At kapag hindi mo sila naturuan, magagalit agad sila sa'yo at sasabihing 'Ang damot mo naman!' Sa tuwing tuturuan mo naman at hindi nila naintindihan, sasabihin na lang nilang 'Pakopya na lang.' Ako naman, si bigay. Sa tingin ko kasi noon, mas mapapalapit sila sa'kin kapag ginawa ko yun, magiging kaibigan ko na sila. Pero hindi pala. Kapag nakuha na nila ang kailangan nila, wala na, IGNORED ka na. Meron din naman kakaibiganin ka muna tapos saka gagawin o hihingin yung kailangan. Papaasahin ka na kaibigan mo silang tunay. Pero hanggang pagpapa-asa lang dahil hindi naman nagawang panindigan.

Dumating ang araw na naisip kong makuntento na lang ako sa sarili ko. Magdadamot na ako. At higit sa lahat hindi na ako makikipagkaibigan kahit kanino.

Ngunit dadating din talaga ang araw na hindi natin laging inaasahan. Ang lahat nang naisip at pinagako ko sa sarili ko, kinain ko ding lahat. Hindi nga ako nakipagkaibigan dahil sila ang nagkusa. Akala ko katulad lang din sila nung dati, makikipagkaibigan dahil may kailangan sila at kapag nakuha na, iiwan ka na. Pero hindi, mali ako. Ako pa ang may nakuha sa kanila na kahit kailan ay hindi ko pagsisisihan nakuha ko.

Isang PAMILYA. Iyon ang nakuha ko sa kanila. Di nila pinilit na hingin o ibigay sa akin yun dahil kusa nilang ibinigay. Sila yung mga taong tinuring ako higit pa sa inaasahan ko. Hindi magsasawang sabihan ka ng 'Kaya mo yan' sa tuwing pinanghihinaan ka at pasuko na. Lagi magsasabi ng 'Goodluck!' sa tuwing may may laban kang dapat kaharapin. Tuwing pupunta ka sa bahay ng isa sa kanila, kapatid na din ang turing sa'yo mga kapatid nila. Kaagapay lagi sa tuwing may problema. Parte at madalas dahilan ng iyong masasayang araw. Hindi nila ako iniwan at alam kong hindi kailanman.

I don't treasure friends for I treasure FAMILY.

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento